Saturday, August 28, 2010

   WHO AM I? I asked this question countless times in the past. Perhaps I am now well aware of the constants in my answers. For instance, everytime I soul-search, I affirm my kindheartedness, my willingness to help others. At this point in my life , I know more about myself than I did when I stepped into adolescence. But self-discovery never ceases, no matter how old I get.

   As I journey through life, I will probably notice that things begin to change little by little. I get more responsibilities and are faced with more challenges. Unlike before when I used to rely on my parents to decide things for me and to do things for me, I cannot just let others make decisions for me now.

   Ang totoo simple lang akong tao. I have (2) cute sister and (2) big brother and a caring and very supportive parents. Inaamin ko madalas ay may sarili akong mundo, pero as I go through life and when I enter college maraming nagbago sa akin. Mas nakakapag share na ako ngayon sa mga kaibigan at maging sa mga kaklase at kahit di pa rin pumapayat ay masasabi kong nadagdagan na rin ang tiwala ko sa sarili. Dati sabi ko sa sarili ko at maging sa mga kaklase ko noong High School ay hindi ko pinangarap na maging teacher in short hindi education ang kukuhanin kong kurso. Pero nakakatawa kasi kung sino pa ang ayaw maging teacher ay siya ngayong kumukuha ng kursong EDUCATION at kasalukuyan ng nasa 3rd year na at malapit nang maging PT. Sabi nila di daw puwede maging teacher kapag may INTRAPERSONAL personality ka at inaamin ko na minsan ay ganun ako. But as I go through my college life hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko dahil nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan. I can name them kc few lng silla,(mga bhe ko, sina elaine, rio at rosemarie, pati na rin si ate Leonora) pero atleast kahit anong mangyari hindi nila ako iiwan. Natagpuan ko din iyong mga PROFESSOOR na hindi lang basta nagtuturo, they can also touch the lives of their students.

   I am always thankful for my FAMILY that I have. That no matter how I changed still my family stay...At higit sa lahat kay GOD,naniniwala ako na magiging masaya ang buhay mo kapag si GOD ang una sa priority ng bawat desisyon na gagawin mo at lagi mo lang siyang ilalagay sa puso mo. GOD IS GOOD... 

Friday, August 27, 2010

ANG TAO

Wangis ng Diyos, sa mundo'y nabuhay,                                                            
takdang-kapalaran sa kanya'y ibinigay,
mahalin at magmahal sa kapwa nang tunay, 
isang tungkuling di-dapat talikdan.
                                                                                        
Pagmasdan mo't hayun iba-iba,
gawi't kilos, paniniwala'y kanya-kanya,
may mabuting mithi, may mabuting nasa,
may masamang layon, may masamang pita. 
                                
Kung pagkalilimi'iy, walang likas na masama,
kalayaa'y taglay sa anumang magagawa,
magkasala't magpatawad di na kakatwa,
kalikasan ng tao Diyos na ang huhusga.

Ngunit pakasuriin ma'y di na ipagtataka,
may bahid ng gulo sa mundong kayganda,
pagkutya't paghusga sa taong likha niya,
iba'y nabubulid sa pighati't dusa.
                                                                                                                         
Nguni't sadya yatang lahat ay may wakas,
sa hantungan niya'y nagiging mabuti ang lahat,
sa buhay sandali, buti'y nasisipat,
pagsisisi ng tao'y likas ding kaakibat.


MY FIRST LETTER FROM AN "ATE"

Para sa iyo Joana Angelica,
                                                                                                           
     Mula sa aking puso, taos kitang maging kaibigan.
Nais kong maibahagi ang aking mga saloobin sa iyo at         
 ganun din ikaw sa akin. Bagamat madalas tayong
magkita ngunit madalang magkakuwentuhan, nais
pa rin kitang maging kaibigan. Upang sa pagdaan ng
mga panahon,araw at oras ay maalaala mo ako na
minsan ay mayroon kang naging kaibigan na tulad ko
sa estado  ng kolehiyo.
      
                               Ang iyong kaibigan,
                                  Ate Leonora


-ang letter na ito ay natanggap ko mula kay ate Leonora last semester, pinagawa kasi kami ng sulat sa RETORIKA namin tapos ibibigay mo iyon sa taong nais mong maging kaibigan o sa kaibigan mo. Ang totoo di ko inaasahang may magbibigay sa akin ng sulat kaya naman nagulat ako at the same time FLATTERED.