Wangis ng Diyos, sa mundo'y nabuhay,
takdang-kapalaran sa kanya'y ibinigay,
isang tungkuling di-dapat talikdan.
gawi't kilos, paniniwala'y kanya-kanya,
may mabuting mithi, may mabuting nasa,
may masamang layon, may masamang pita.
Kung pagkalilimi'iy, walang likas na masama,
kalayaa'y taglay sa anumang magagawa,
magkasala't magpatawad di na kakatwa,
kalikasan ng tao Diyos na ang huhusga.
Ngunit pakasuriin ma'y di na ipagtataka,
may bahid ng gulo sa mundong kayganda,
pagkutya't paghusga sa taong likha niya,
iba'y nabubulid sa pighati't dusa.
sa hantungan niya'y nagiging mabuti ang lahat,
sa buhay sandali, buti'y nasisipat,
pagsisisi ng tao'y likas ding kaakibat.
No comments:
Post a Comment